Sunday, August 04, 2013

SINGAPORE : The Lion City

October 24-26, 2011. After our conference in Bali, Indonesia, we immediately went to Singapore, the lion city. We landed at the famous Changi International Airport.

I was amazed of the facilities and the establishments inside the airport. “Walang ganito sa Pinas. Ibang klase..World-class!” I noticed also that the janitors there were old Malays, Chinese, and Indians. “Kahit matanda na nagwo-work pa rin pala. Sila yung makikita mo na naglilinis ng sahig na salamin, yung mga nasa banyo na naglilinis ng dumi ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Kumakayod pa rin pala ang mga matatanda. Sa Changi airport, malulula ka sa elevator. Naku ang taas, ang haba. Ang mga mamahaling damit, bag, pagkain ay nasa loob.  At nung kumain kami sa Changi, naku ang mahal ng food pero ok lang yun paminsan-minsan kelangan mong maranasan to. Walang ganito sa Pinas. Nakakapanibago talaga. At ang LRT nila ay konektado sa airport. Kaya mula airport diretso na kami sa LRT para makarating doon sa condominium ng friend ni Mam Rowena Nuera. Kasamahan ko pala sa Language Department ng USEP si Ma’am Nuera. Doon kami tatambay at magpapakasasa sa condo ni Ma’am Lyra. Si Ma’am Lyra ay co-teacher ni Ma’am Weng sa University of Mindanao. Siya rin ay isang USEPian, AB Language and Literature yung kurso niya. Ngayon, sa SG na sila nakatira kasama ang kanyang pamilya. Sa National University of Singapore na pala siya nagtratrabaho.


                Nagtataasang mga gusali ang panay nakikita ko. Di ganito ang Davao, ang nakalakihan kong siyudad. Ibang-iba ang SG. At ang linis! Totoo nga pala yung sinabi ng estudyante kong si Zyril Roque. “Bro, limpyo kaayo ang SG. Maulaw ka maghugaw-hugaw. Ayaw pagpataka ug luwa didto”. Totoong-toto nga. Nakapunta na si Zyril sa SG dahil doon nagwowork yung sister niya. Sa LRT, samut-saring tao ang makakasalamuha mo. Oo, tama ka. Samut saring amoy din ang malalanghap mo. Amoy ng Malayu, Chinese, at ang panalo sa lahat ay ang amoy ng mga Indian. Di talaga maikakaila na amoy ng Indian. Ang tapang-tapang.

                Nung nasa Bali pa kami, binigyan na kami ng sketch ni Ma’am Lyra about sa condo nila. Di kami mawawala ,sure na sure ako. Ask lang talaga ng ask. Dito talaga matetest yung English mo. Mga isang oras din ata yung travel naming mula Changi papunta sa Condo. Di ko na matandaan kung ano yung pangalan ng condo. Pasensya na po. Tagal na kasi noon eh. Basta ang matatandaan ko maraming Chinese doon. Mataas ang building. At di close ang mga tao. Di nila kilala kung sino yung kapitbahay nila. Walang pakialaman unlike sa Pinas, pulutan ka palagi ng kapitbahay mo. Kabisadong-kabisado ko nina  Manang at Manong! 




                Muslim friendly si Ma’am Lyra. Maranao siya pero Christian na siya ngayon. So alam niya na di ako kumakain ng pork kaya no pork yung pagkain namin. Salamat Ma’am Lyra. Si Ma’am Weng au tulog agad pagdating naming sa Condo. Lantang-lanta. Kinabukasan, pumunta ako sa Universal Studios. Si Ma’am Weng tulog pa rin kaya sabi ko sa sarili ko na ako na lang mag-isa magliliwaliw sa SG. At kayang-kaya ko to! Di naman ako maliligaw siguro.At ang sarap ng stay ko sa condo. Libre lahat sa food. Movie marathon. Kain. Tulog. Malling. Chatting. 


                LRT. LRT. Ito yung means of transportation doon. May card ka lang, ok ka na! Makakatravel ka na! Sentosa, Universal Studios, at mga mall. Bawat istasyon may mga mall. Kasabay ko nga pala sa LRT si Ma'am Lyra. Papuntang work siya sa NUS, isa mga bigating university sa SG, sa Asya at maging sa mundo. Hanep nga ang SG!  Ito lang yung napuntahan ko doon. At ikli-ikli naman kasi ng panahon. Buti na lang nakatagpo ng mga kaibigan sa  USS. At ang dami-dami mga Pinoy doon. Namamasyal at nagtatrabaho. Sa isang mall, Pinay ang saleslady sa Giordano kung saan ako bumili ng I LOVE SG shirts. At doon naman sa Merlion statue, Pinoy din yung photographer doon. Kahit saan nga ang mga Pinoy sa ngalan ng pakikipagsapalaran. “Ganito lang yung trabaho naming dito pero malaki na ang sahod kung ikukumpara mo sa Pinas. “  Sa Universal Studios of Singapore ko talaga naenjoy ang mga araw ko. Sarap bumalik sa SG. Sarap magbakasyon sa SG lalo na pag may maraming pera! Mahal sa SG mga parekuy! Dollars! 




0 comments:

Post a Comment